We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Sa Lumang Daan

by Kampon

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

    Libreng papaitan to be delivered to your doorstep!
    Purchasable with gift card

      $5 USD  or more

     

  • Full Digital Discography

    Get all 3 Kampon releases available on Bandcamp and save 35%.

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality downloads of Pulang Talim (Live at Mow's), Sa Lumang Daan, and Babaylan. , and , .

    Purchasable with gift card

      $6.50 USD or more (35% OFF)

     

1.
Iluminasyon 03:46
O aking minamahal, hanggang kailan ka ba maglalakad sa panaginip ng mga gising? Sa daigdig na iniluwal ng iyong ulirat upang itago ang dibinidad sa loob ng mortal na katawan Buksan mo ang iyong mata, ikaw na nahihimlay Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman Sa landas na walang wakas Sa konseptong hindi mabatid Anyong higit pa sa anyo IMORTALIDAD! Iluminasyon ng bathalang mortal Ako ang tanglaw, ako ang tanglaw Hindi mo ba naaalala ang aking mukha? O, kay tagal mo ng nahihimbing sa loob ng iyong balat Sisidlan! Sisidlan lamang ang mortal na katawang hindi mo mabitawan Tuklasin mo akong muli, Tuklasin mo ako sa dilim Ako ang katotohanan sa likod ng iyong kamalayan Buksang mo iyong mata, ikaw na nahihimlay Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman Sa landas na walang wakas Sa konseptong hindi mabatid Anyong higit pa sa anyo Ang huling pagtawid ng kaluluwa Patungo sa bulwagan ng kahariang walang katapusan Ako ang tatayong gabay sa landas na walang makatahak Sundan mo ang aking yapak patungo sa walang hanggan At maging ganap muli, at maging ganap Ako ang daan, ako ang liwanag, ako ang Kristong itinago mula sa mundo Ako ang serpyenteng siyang magbubukas sa kamalayan ng buong sangkatauhan
2.
Itim 04:30
Sa gitna ng mga lupaing hindi nasisinagan ng araw Kumikislap na asul at ginto ang aking suot Ako na siyang iyong gabay sa gabing tulog ang mga tala Ako ang susi at bantay. Ako ang pinto! Sana nawa'y mapasaiyo ang tagumpay ng mga nauna! Lakarin muli ang sanlibong hardin Na minsan inilawan ng iyong mga butuin! Matayog kang pumaroon (Padayon!) Marilag at mapangahas (Padayon!) Sa gitna ng kadiliman (Padayon!) Ikaw na anak ng apoy! Upang kuning muli ang sa iyo'y nararapat Umupo ka at magharing muli sa aming tabi Humayo kang nagliliyab na tila kandilang inukit sa araw! Humayo ka at huwag na muling lilingon pa Ito ang daan ng mga nauna Itim ang daan ng liwanag na hindi namamatay! Sa gitna ng mga lupaing pamilyar sa ala-ala Maglakad ka sa mga panaginip na tila nagdaan na Ikaw na siyang magbabalik ng sindi sa iyong mga tala Ikaw na susi at apoy! Ikaw ay ako!
3.
Pag-Agos 05:51
Dahan-dahang lumulubog Ang bawat piraso ng aking pagkabuo Nilamon ng tubig At inaanod ng mga pwersang hindi mahinto ng aking kamay Tinatangay na tila dahon sa alimpuyo Sa kagustuhan ng mga hanging nagpupumiglas Ako'y huminga, bumitaw at nagpadala Sa rumaragasang mga alon Sa mga pantalang hindi pa naabot Saan man dalhin ng pag-agos Ako'y mananaig! Sa gitna ng azul at aking pag-iisa O dagitab ng aking gabi, magningning! Buwan! Ilawan ang aking daan! Sa rumaragasang mga alon Sa mga pantalang hindi pa naabot Saan man dalhin ng pag-agos Ako'y mananaig!
4.
Bathala 03:49
Dakilang saksi sa unang paghinga Ng binhi na naging sanlibutan Kadilimang nagmamasid lamang Mula sa hangganan ng realidad Sinaunang manlalakbay Ng mga daigdig at ibayong mundo Isa sa makapagyarihang bantay ng mga lupaing sagrado't banal Taglay ang katotohanang hindi maibigkas Ng iyong motarlidad At iyong mga limitasyon! O, Saksihan ang pagbuka ng buong kalangitan Sa paglapag ng aking yapak sa ibabaw ng araw Ako ay hindi sa mundong ito. Ako ay walang limitasyon Ako ay ganap, ako ay lahat! Ako ay bathala! Ilang siglo na akong pilit inaangkin Sukdulang hindi madaig ng kaalaman ng agham at siyensya Siyang hindi mabibilang at hindi masusukat Ako ang indayog na mananatili at hindi maglalaho Ako ang dagundong ng mga immortal na turmpeta Na bumubuga magpakailanman Walang umpisa at wakas Ako'y padayon lamang
5.
Om 06:09
Sakay ng hangin, gabay ko'y amihan Sa pag-amo ng unos Magtatagpo ang tadhana at mga tala Muli nagbabalik Sa mga templong hindi nagugunaw Ang daan ng marmol at mithi Taglay ang apoy ng umagang bituin Muli nagbabalik Tagumpay Ako ay buhay Ako ay tutuloy, hihinga OM At sa aking bulong at pagkumpas Ako ay pakinggan Ang lumang daan buksan Sa mga templong hindi nagugunaw Ang daan ng marmol at mithi Taglay ang apoy ng umagang bituin Muli nagbabalik Tagumpay Ako ay buhay Ako ay tutuloy, hihinga OM Muli nagbabalik Sa lumang daan Tagumpay sa mundong ito at lahat ng mga dimensyon!

about

Ang Sa Lumang Daan ay naglalaman ng limang kwentong tila panaginip ng isipang galing sa lumang mundo.

Ito ay serye ng usapan ng isipan at katawang tao. Isang pagtalakay sa mga karanasan, pagbabago, paghihirap at pagtatagumpay na nangyayari lamang sa loob ng isang nilalang sa paghahanap nito ng katotohanan sa kanyang pagiging.

Ito ay pagimbita upang magsaliksik sa lumang pamamaraan ng mga Maestro ng isipan. Silang nagbibigay halaga sa kanilang diwa't isipan na higit pa sa makamundong anyo.


Written from 2014 to 2017

All music by Kampon

Tracked at Pointbee Multimedia
Mixed/Mastered at Saturnine Audio
Cover art by Bjan Bernabe

credits

released November 4, 2017

Bjan Bernabe - vocals
Janjan Capili - bass (on Pag-Agos and Om)
Carlos Jamito - guitar
Regie Ibanez - drums
Victor Inocentes - guitar (Iluminasyon, Itim, Pag-Agos and Om)
Joshua Oblepias - bass (on Iluminasyon, Bathala and Itim)

license

all rights reserved

tags

about

Kampon Philippines

Millennial Kamatayan Metal

contact / help

Contact Kampon

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like Kampon, you may also like: