Get all 3 Kampon releases available on Bandcamp and save 35%.
Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality downloads of Pulang Talim (Live at Mow's), Sa Lumang Daan, and Babaylan.
1. |
Iluminasyon
03:46
|
|||
O aking minamahal, hanggang kailan ka ba maglalakad sa panaginip ng mga gising?
Sa daigdig na iniluwal ng iyong ulirat upang itago ang dibinidad sa loob ng mortal na katawan
Buksan mo ang iyong mata, ikaw na nahihimlay
Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman
Sa landas na walang wakas
Sa konseptong hindi mabatid
Anyong higit pa sa anyo
IMORTALIDAD!
Iluminasyon ng bathalang mortal
Ako ang tanglaw, ako ang tanglaw
Hindi mo ba naaalala ang aking mukha?
O, kay tagal mo ng nahihimbing sa loob ng iyong balat
Sisidlan! Sisidlan lamang ang mortal na katawang hindi mo mabitawan
Tuklasin mo akong muli, Tuklasin mo ako sa dilim
Ako ang katotohanan sa likod ng iyong kamalayan
Buksang mo iyong mata, ikaw na nahihimlay
Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman
Sa landas na walang wakas
Sa konseptong hindi mabatid
Anyong higit pa sa anyo
Ang huling pagtawid ng kaluluwa
Patungo sa bulwagan ng kahariang walang katapusan
Ako ang tatayong gabay sa landas na walang makatahak
Sundan mo ang aking yapak patungo sa walang hanggan
At maging ganap muli, at maging ganap
Ako ang daan, ako ang liwanag, ako ang Kristong itinago mula sa mundo
Ako ang serpyenteng siyang magbubukas sa kamalayan ng buong sangkatauhan
|
||||
2. |
Itim
04:30
|
|||
Sa gitna ng mga lupaing hindi nasisinagan ng araw
Kumikislap na asul at ginto ang aking suot
Ako na siyang iyong gabay sa gabing tulog ang mga tala
Ako ang susi at bantay. Ako ang pinto!
Sana nawa'y mapasaiyo ang tagumpay ng mga nauna!
Lakarin muli ang sanlibong hardin
Na minsan inilawan ng iyong mga butuin!
Matayog kang pumaroon (Padayon!)
Marilag at mapangahas (Padayon!)
Sa gitna ng kadiliman (Padayon!)
Ikaw na anak ng apoy!
Upang kuning muli ang sa iyo'y nararapat
Umupo ka at magharing muli sa aming tabi
Humayo kang nagliliyab na tila kandilang inukit sa araw!
Humayo ka at huwag na muling lilingon pa
Ito ang daan ng mga nauna
Itim ang daan ng liwanag na hindi namamatay!
Sa gitna ng mga lupaing pamilyar sa ala-ala
Maglakad ka sa mga panaginip na tila nagdaan na
Ikaw na siyang magbabalik ng sindi sa iyong mga tala
Ikaw na susi at apoy! Ikaw ay ako!
|
||||
3. |
Pag-Agos
05:51
|
|||
Dahan-dahang lumulubog
Ang bawat piraso ng aking pagkabuo
Nilamon ng tubig
At inaanod ng mga pwersang hindi mahinto ng aking kamay
Tinatangay na tila dahon sa alimpuyo
Sa kagustuhan ng mga hanging nagpupumiglas
Ako'y huminga, bumitaw at nagpadala
Sa rumaragasang mga alon
Sa mga pantalang hindi pa naabot
Saan man dalhin ng pag-agos
Ako'y mananaig!
Sa gitna ng azul at aking pag-iisa
O dagitab ng aking gabi, magningning!
Buwan!
Ilawan ang aking daan!
Sa rumaragasang mga alon
Sa mga pantalang hindi pa naabot
Saan man dalhin ng pag-agos
Ako'y mananaig!
|
||||
4. |
Bathala
03:49
|
|||
Dakilang saksi sa unang paghinga
Ng binhi na naging sanlibutan
Kadilimang nagmamasid lamang
Mula sa hangganan ng realidad
Sinaunang manlalakbay
Ng mga daigdig at ibayong mundo
Isa sa makapagyarihang bantay
ng mga lupaing sagrado't banal
Taglay ang katotohanang hindi maibigkas
Ng iyong motarlidad
At iyong mga limitasyon!
O, Saksihan ang pagbuka ng buong kalangitan
Sa paglapag ng aking yapak sa ibabaw ng araw
Ako ay hindi sa mundong ito. Ako ay walang limitasyon
Ako ay ganap, ako ay lahat! Ako ay bathala!
Ilang siglo na akong pilit inaangkin
Sukdulang hindi madaig ng kaalaman ng agham at siyensya
Siyang hindi mabibilang at hindi masusukat
Ako ang indayog na mananatili at hindi maglalaho
Ako ang dagundong ng mga immortal na turmpeta
Na bumubuga magpakailanman
Walang umpisa at wakas
Ako'y padayon lamang
|
||||
5. |
Om
06:09
|
|||
Sakay ng hangin, gabay ko'y amihan
Sa pag-amo ng unos
Magtatagpo ang tadhana at mga tala
Muli nagbabalik
Sa mga templong hindi nagugunaw
Ang daan ng marmol at mithi
Taglay ang apoy ng umagang bituin
Muli nagbabalik
Tagumpay
Ako ay buhay
Ako ay tutuloy, hihinga
OM
At sa aking bulong at pagkumpas
Ako ay pakinggan
Ang lumang daan buksan
Sa mga templong hindi nagugunaw
Ang daan ng marmol at mithi
Taglay ang apoy ng umagang bituin
Muli nagbabalik
Tagumpay
Ako ay buhay
Ako ay tutuloy, hihinga
OM
Muli nagbabalik
Sa lumang daan
Tagumpay sa mundong ito at lahat ng mga dimensyon!
|
Streaming and Download help
If you like Kampon, you may also like:
Bandcamp Daily your guide to the world of Bandcamp